Ang Local Disaster Relief Service (LDRS) ng HKRC
Tungkol sa Amin
Ang Local Disaster Relief Service (LDRS) ng Hong Kong Red Cross ay itinatag noong 1951 na may layunin na magbigay ng naaangkop na makataong pagsuporta sa mga taong apektado ng mga kalamidad, krisis, at sakuna . Bukod dito, ang LDRS-HKRC ay may mga serbisyong may kinalaman sa paghahanda at pagtugon sa sakuna at mga serbisyong tumutulong upang makabangon ang mga taong nakaranas nito.
Pang-emerhensiya at Regular na Serbisyo – Aplikasyon ng mga materyales sa tulong
Ang Hong Kong Red Cross ay nag-iisang organisasyon na sumusuporta sa Kagawaran ng Panlipunang Kapakanan na magkaloob ng 24-oras na serbisyong pang-sakuna kagaya ng pagbibigay ng mga relief items para sa mga taong naapektuhan ng kalamidad o sakuna sa pamamagitan ng referral ng mga pampubliko o pribadong organisasyon. Damit, kumot, at pang-araw-araw na pangangailangan ay ang ilan lamang sa mga tulong o “relief” na maaring matanggap ng mga nangangailangan.
Ang mga taong nangangailangan ng tulong ay maaaring mag-apply sa pamamagitan ng Social Welfare Department, Medical Social Services ng mga ospital, Correctional Services Department at iba pang mga organisasyong nagbibigay tulong.
Pagtugon sa Kalamidad
Bukod sa aming regular na serbisyo, nagbibigay din kami ng iba pang pagsuporta o tulong na naayon at nakabase sa “assessment” ng pangangailangan ng mga apektadong indibidwal.
Makipag-ugnay sa amin para sa detalye ng aplikasyon
Telepono: +852 2507 7181 Email: irsd.local@redcross.org.hk









